Ang itim na poong Nazareno ng Quiapo.
Ang unang pagdalaw ng itim na nazareno ng Quiapo sa bayan ng Pililla ay noong 2007. Maraming tao ang dumalaw , nagsimba, nagdasal sa unang pagkakataon na pagdalaw ng itim na poon sa aming bayan. Ako ay isang deboto rin ng itim na poon na kung saan ako ay umaasa na ang lahat ng aking mga panalangin ay kanyang diniringgin at sa pakiramdam ko ay parang may kakaiba talaga ang poon na ito. dahil sa hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na makarating o makapag simba ng quiapo ay dito nalamang sa aming bayan ako naghihintay ng kanyang pagdalaw upang mahawakan at makapag simba.
sa loob ng ilang taon ay laging ganoon ang aking ginagawa, marami ang nakakapagsabi na ang poon na dumadalaw sa aming bayan ay replika lamang ng totoong poon ng nazareno ng Quiapo, hndi daw nilalabas ang totoong poon sa loob ng simbahan ng Quiapo. Maraming pumasok sa isip ko , maraming pagkakataon na gusto kong masilayan ang totoong imahe ng itim na nazareno ,mismo sa loob ng simbahan ng Quiapo.
August 22, 2015
Ito ang unang araw ng pagsisimba ko sa bayan ng Quiapo Church sa Manila, Isang dahilan ng pagsisimba ko sa Simbahang ito ay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyaya na aking natanggap sa loob ng maraming taon, ang pagkakataon na makapag aral ako sa kolehiyo , ang makapasa ako sa NCIII Bookkeeper, ang maging parte ako ng ibat ibang organization at ang higit sa lahat ay ang pagpapasalamat ko sa buhay na ibinibigay sa akin ng diyos sa araw-araw.
Ang pagpasok ko sa loob ng Simbahan ng Quiapo ay kakaiba, parang ang lamig sa pakiramdam, at ang pakiramdam na kahit napakarami ng tao ay mararamdaman mo na panatag ka.
Pagkatapos ng Misa ay agad kaming pumunta ng kasama ko sa Likod ng simbahan....
doon kasi ang daan kung saan pipila ka para makahalik at makahawak sa totoong Poon ng Nazarenong Itim.
Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ito, at mahahawakan..
Nazarenong Itim ng Quiapo
Ito ang totoong Poon na nazareno ng Quiapo , ito ay medyo maliit kumpara sa dumadalaw na poon sa aming bayan, ito ay nasa sentro ng simbahan at ito ay hindi basta-basta inilalabas.
Sa pagkakataon na iyon ay nauunawaan ko na, kung bakit libo-libong tao ang pumupunta doon upang magdasal, kung bakit nag titiis sa mahabang pila at kung bakit ganoon katindi yung pananalig nila.
Ito ay dahil sa Pananampalataya nila, isang paniniwala na kung maniniwala ka ay magkakatotoo. Hindi ko alam pero yun din kasi yung naramdaman ko.
Ang aktuwal kong paglapit sa Poong Nazareno
Ito ang aktwal kong paglapit sa poong nazareno ng Quiapo, matapos akong pumila at maulanan , masasabi kong sulit ang aking pagpunta upang masilayan ang totoong imahe ng Nazareno ng Quiapo .
Sa aking paglalakbay isang bagay ang aking natutunan, " Totoo man o hindi ang bagay na nakikita mo basta't may paniniwala ka at paninindigan sa gusto mo, ito ang magdadala sayo sa tagumpay ".
No comments:
Post a Comment